Ang dami kong naging plano para sa araw na ito. Pero walang natuloy kahit isa. Oo, pwede ko naman ituloy yun sa ibang araw, pero di mo na birthday yun. Wala na ring sense. May usapan tayong breakfast ngayon pero di ako nagising ng maaga. Wala akong load kaya di makatawag o makapag-text man lang. Kapag minamalas nga naman. Alas-10 ng umaga ang alis mo kaya wala na talagang pag-asang makita ka man lang sa araw na ito.
Kagabi, nagbabalak na huwag nang matulog para tapusin ang isang bagay at para makaalis din ng maaga. Pero di ka pumayag, pinilit mo akong matulog. Kung sabagay, pagod na rin ako kagabi, bagsak na rin naman ang katawan at utak ko, sumunod ako sa utos mo. Pero nasobrahan naman sa tulog, di ako nagising ng maaga. Sana hindi na lang talaga ako natulog kagabi.
Kung pwede nga lang talaga akong umalis ngayon; kung may pera lang talaga; siguro pinuntuhan na kita sa Laguna. Pero wala talaga e. Sinira ko na ang araw mo. Napaka walang kwenta kong tao.
Pagkasing kaninang umaga, matapos kang kausapin sa cellphone, natulog na lang ulit ako. Idinaan na lang sa tulog ang pagka-frustrate na makasama ka. Pag tulog ako, di ko maaalalang dapat kasama mo ako ngayong araw na ito. Sa panaginip, kasama kita. Di na rin kumain ng agahan at tanghalian; wala rin naman akong gana. Nagugutom na pero parang bale wala ang nararamdaman; wala na ring balak kumain ng hapunan. Di lumalabas ng kwarto; isang beses lang, upang maligo. Nangangarap na kasama ka ngayon. Naghahangad na napapasaya ka ngayon. Lutang ang isip, hinahanap-hanap ka.
Gayunpaman, sana ay naging at maging masaya ka sa araw na ito kasama ang pamilya mo at ang mga batang napapasaya mo tuwing kaarawan mo. Sana sa susunod na taon tayo pa, para pwede ko pang ituloy ang mga naudlot kong plano. Happy birthday mahal ko.
im just happy that God gave me you as an early birthday present
ReplyDelete