Tuesday, November 4, 2008

Pinto.

Nasaan na nga ba ako?
Nasaan na ang mga pangarap ko?
Nasaan na ang aking palasyo?
Nasaan na kayo?

Malayo.
Ang layo.
Malayo na talaga.
Hindi ko na matanaw.

Dapat na nga ba akong bumalik?
Dapat na bang hanapin ang pinagmulan?
O dapat lang na ako'y magpatuloy?
Dapat bang magpatuloy sa mahamog na landas?

Saan?
Paano?
Kailan?
Hindi ko alam.

-----

Lumulutang na naman ang aking isipan at hinahayaan ko lang ito. Hindi ko alam kung kailan siya babalik. Di ko mawari kung saan siya patutungo. Marahil mamaya lang. Siguro doon lang.

Haaay. Ano nga ba ito? Bakit ganito? Bahala na. Magpapalutang-lutang na lang pansamantala.



Pagpasensyahan na. Magulo lamang ang utak ng batang sumulat nito.

1 comment:

  1. ang lalim! ang creative mo pala kapag madaling araw! kaya pala ganyan ung activity namin dati sa creative writing! kaso puro mura ang naiisip ko kasi gusto ko pa matulog hahahaha!!!

    ReplyDelete