Wednesday, November 5, 2008

04-Nov-08

Gusto ko lang mag-kwento. :P

I woke up early, like, 4:30am, from a bad dream. *Sigh* So malamang di talaga maganda ang start ng araw ko. :( Ayun, dahil di na rin naman ako makatulog ulit, nag-OL na lang ako, tapos tumunganga hanggang 10am. :|

Pero birthday ng mommy ko ngayon kaya hindi dapat ako malungkot. At may usapan rin kami ni Dan na pupunta sya dito today. So ayun, 10am, naligo at kumain na ako ng lunch. After that nanood kami ng Wowowee. Hehe. Lola ko kasi talaga ang laging nanonood nun, pero aliw naman talaga siya minsan kaya nanood na rin ako. :D Grabe, super laugh trip. LOL. Natuwa naman ako at kahit papaano ay nawala na ang lumbay ko. :)

Dumating si Dan dito ng 2pm. Ayun, kwentuhan, parang di kami magkasama kahapon. Haha! :P Kaso naasar ako sa isang bagay. Tapos biglang di kami na nag-usap, di na nagpansinan, di nagtitinginan. Pero syempre, di naman namin kayang tiisin ang isa't isa at ayaw rin naman naming matapos ang araw na may "tampuhan" kami; ayun, nag-usap na rin kami. :) May mga bagay lang talaga na kahit naiintidihan mo, di mo pa rin maiwasan ang maasar.

At around 6pm, OL na si mommy. Ayun, nag-chat kami, tapos pinakita namin sa kanya, thru webcam, yung cake nya. :) At kami na rin ang nag-blow ng candle for her. Hehe. :P Tapos ayun, sinumbong na naman nila ako kay mommy. Haaay, that's life and I'm so used to it. Kaasar lang minsan kasi yung mga bagay na ayaw nila ibigay sakin ay yung mga bagay na nakapagpapasaya sakin. Ayun, parang "ano ba, hindi ba ako pwedeng maging masaya kahit minsan lang? Hindi ko ba pwedeng i-enjoy ang buhay ko? Minsan lang naman e. Nililimitahan ko naman lahat e." *Sigh*

At syempre umuwi si Dan, 10pm; oo, late na. Dan, sorry, ginabi ka na naman. Ang daldal ko kasi e noh? Haha! :P Salamat. Salamat sa lahat! Makita lang kita, gumagaan na ang loob ko. And I'm so happy again today because of you! :) *Mushy*

1 comment: