Monday, March 23, 2009

betrayed.

Ang hirap isipin na kung sino ang mga pinagkakatiwalaan mo, sila pa ang manglalaglag sayo. O kaya naman, sila pa ang magiging dahilan ng paglayo ng ibang tao sa iyo. Mas mahirap kung wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari. Masakit maging biktima ng ganitong sitwasyon pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi naman magandang magalit at magtanim ng sama ng loob sa mga taong itinuturing mong kaibigan. Hindi ko naman kasi ikayayaman iyon. Sasama lang din ang loob ko, e ang dami ko pang dapat problemahin. Finals week, hell week, kamusta kayo? Kaya walang ibang magawa kundi ilabas ang hinanakit sa ganitong paraan. Ano pa ba't balang araw ay makakalimutan ko rin iyon. Pero sana lang, sana lang naman, inisip nya kung anong magiging epekto sakin ng ginawa nya. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun, baka ganun lang talaga sya. Siguro akala nya tinutulungan nya ako sa ganoong paraan, pero sana, sana lang, makita nya na hindi, hindi maganda ang resulta ng mga ginawa nya. Hindi nakakatuwa. At sana hindi na lang nya ginawa. Pero dahil nga tapos na iyon, wala namang akong ibang magagawa kundi intindihin sya. At kahit wala akong kaalam-alam noon, at dahil ngayon ay alam ko na, marapat lamang na ayusin ang gulong idinulot nito. Hindi ako galit, asar lang siguro, hindi ko kasi maintindihan kung bakit. Ano bang ginawa ko sa kanya para gawin niya ito sakin? Sa pagkakatanda ko, wala naman, wala naman akong ipinagkakalat na sikreto nya, wala talaga. O talagang biktima lang ako ng tinatawag na "kamalasan"? Pero ewan, ano bang mali sakin, bakit nya kailangang gawin iyon? Hay.

Wednesday, March 18, 2009

朋友

Cameron: "If we want this to not get in the way of our friendship, I think we both have to apologize and put it behind us."
Foreman: "I like you, really...we have a good time working together. But ten years from now, we're not gonna be hanging out, having dinners. Maybe we'll exchange Christmas cards, say "Hi," give a hug if we're at the same conference...we're not friends, we're colleagues... and I don't have anything to apologize for."
--Episode 18, Season 2 of House MD



We are friendly creatures. We can't live alone. As the saying goes, "no man is an island." We always search for someone to be with. Someone whom we can share our thoughts, feelings, and emotions with. Someone we can cling to whenever we feel weak. Someone we can call a "friend".

I don't have tons of friends. But I have enough. Enough to know that I can be a real friend too. Enough to be able to fight for them through and through. Enough to stand for them 'til the end of time. Enough to give up my pride and insecurity. And enough to stay and never leave them no matter what.

However, there are some people whom you thought are your real friends. You will fight for them, be by their sides, and stay 'til you can. But one day, sometimes in the toughest circumstances, you'll be dumbfounded that they really don't think of you as a friend.

I am not talking about "user-friendly" here. My point is that no matter how willing you are to do everything for someone, that someone may not even have any willingness to do a thing for you. Ergo, no matter how you treat someone as your friend, that someone may not want to consider you as his/her friend.

A real friend is someone who considers and who treats you as a friend.

But then again, no one can stop us from caring for other people; whether they treat us as their friend or not. Besides, it won't hurt them in any way.