Ewan pero lately, sunud-sunod ata ang kamalasan ko...tulad ngayon. Hindi pa ako nakakapag-start ng OJT ko for this sem dahil sobrang hectic ng sched ko last week. At dahil I have a super free day today, nag-decide ako na pumunta na sa SEAMEO INNOTECH--ang target kong pag-OJT-han. Ayun, at dahil hindi ako nagising ng maaga, dahil hindi ako makatulog kagabi, after lunch na lang ako pumunta run. Unfortunately, wala akong napala. Ouch. Na-fill-out na raw kasi yung slots for OJT. Sad. Nag-text naman ako kay Sir Jelo before ako pumunta dun, asking if pwede pa ako dun, kaso di sya nagreply, busy raw kasi sya. After hearing those tear-jerking lines from him, nag-moment muna ako sa restroom. Haha! Syempre, JOKE lang yun! :P Next year/sem naman daw, priority na nila ako run. Yey! Hehe. Ayun nga, totoong nag-palipas muna ako ng oras sa restroom (yes, dun pa talaga e noh? haha), nag-isip muna ako kung saan ako mag-aapply for OJT. Sayang naman kasi yung pinunta ko run kung aalis agad ako, wala pa ngang five minutes ang experience ko sa SEAMEO INNOTECH e. Hehe. :P
Lesson Learned: Mag-pass agad ng Recommendation Letter at CV para di maunahan ng iba! At tumawag na sa office kapag hindi nagrereply ang lahat ng taong tinext mo. Pag tinatamad, wag nang tumuloy. Haha! :P
Ayun, naisip kong dumiretso na ng UP dahil magkatapat naman yun para sana mag-request ng bagong RL. Pero buti na lang naisipan kong magtanong kay Thel, wala nga pala ang mga faculty ng SLIS ngayon dahil nasa LIS Wizard sila. Malas. Ayun, paglabas ko ng building, huwaw pare, ang solid ng ulan! Parang ayaw magpauwi e. Pero dahil ako si batang "gusto-ko-nang-umuwi," sinugod ko ang malakas na ulan gamit ang aking beloved pink umbrella-ella-ella-e. Pero ang yabang ko, sira naman siya. Ugh. Well, di naman masyado, nagamit ko pa naman. Hehe. Kailangan ko na talaga syang ipaayos. Ayokong bumili ng bagong payong, ang mahal kaya nung payong ko na yun! O yes, I'm so kuripot. Haha! At grabe, basang-basa ako, as in define wet look! O_o;;
Lesson Learned: Sumama na rin sa LIS Wizard. Wag masyadong excited umuwi.
Naisipang pumasok sa Ever Gotesco. Naglakad-lakad. Nagpatuyo sa aircon ng "mall". Kumain sa McDo ng Cheeseburger Deluxe Meal, Go Big Time, at isang Hot Caramel Sundae. Ewan ko ba kung ano nanaman ang pumasok sa utak ko at kumain ako kahit di naman ako nagugutom. Sayang tuloy ang pera ko. Na-realize ko na lang na nag-da-diet pala ako nung kumakain na ako. Pak! Pero syempre, bawal magsayang ng pagkain ngayon dahil mahal na ang gasolina. Inubos ko at sobrang busog ako. Pero nanghihinayang pa rin ako. Haha! :P
Lesson Learned: Iwasan ang emotional eating kahit stressed ka pa. Magdikit ng note sa wallet: "you and your wallet are on diet!".
At ngayon, nandito na ako sa bahay. Actually, kanina pa. :P At awa ng Diyos, wala pa namang kamalasan ang nangyayari sakin ngayon dito. Hehe. Sana wala nang dumating! *crossed fingers*
No comments:
Post a Comment