Sunday, November 30, 2008

people are people

Bakit may mga taong insensitive?
Bakit may mga taong unfair?
Bakit may mga taong alam na naman nilang makakasakit sila and yet ginagawa pa rin nila yung bagay na makakasakit sa isang tao?
Bakit may mga taong ipinipilit pang ibalik ang isang bagay na wala na at di na pwedeng ibalik pa?
Bakit may mga taong di matanggap ang katotohanan?
Bakit may mga taong hindi na lang maging masaya para sa iba?
Bakit may mga taong mag-so-sorry pero di naman magbabago?
Bakit may mga taong plastik?
Bakit may mga taong walang pakialam kung nakakasakit na sila?
Bakit may mga taong immature?
Bakit may mga taong ipinipilit yung gusto nila kahit may nasasagasaan/nasasaktan?


Bakit nga ba?
Oo nga pala, kasi TAO sila.

Monday, November 24, 2008

Just another malas Monday.

Ewan pero lately, sunud-sunod ata ang kamalasan ko...tulad ngayon. Hindi pa ako nakakapag-start ng OJT ko for this sem dahil sobrang hectic ng sched ko last week. At dahil I have a super free day today, nag-decide ako na pumunta na sa SEAMEO INNOTECH--ang target kong pag-OJT-han. Ayun, at dahil hindi ako nagising ng maaga, dahil hindi ako makatulog kagabi, after lunch na lang ako pumunta run. Unfortunately, wala akong napala. Ouch. Na-fill-out na raw kasi yung slots for OJT. Sad. Nag-text naman ako kay Sir Jelo before ako pumunta dun, asking if pwede pa ako dun, kaso di sya nagreply, busy raw kasi sya. After hearing those tear-jerking lines from him, nag-moment muna ako sa restroom. Haha! Syempre, JOKE lang yun! :P Next year/sem naman daw, priority na nila ako run. Yey! Hehe. Ayun nga, totoong nag-palipas muna ako ng oras sa restroom (yes, dun pa talaga e noh? haha), nag-isip muna ako kung saan ako mag-aapply for OJT. Sayang naman kasi yung pinunta ko run kung aalis agad ako, wala pa ngang five minutes ang experience ko sa SEAMEO INNOTECH e. Hehe. :P

Lesson Learned: Mag-pass agad ng Recommendation Letter at CV para di maunahan ng iba! At tumawag na sa office kapag hindi nagrereply ang lahat ng taong tinext mo. Pag tinatamad, wag nang tumuloy. Haha! :P

Ayun, naisip kong dumiretso na ng UP dahil magkatapat naman yun para sana mag-request ng bagong RL. Pero buti na lang naisipan kong magtanong kay Thel, wala nga pala ang mga faculty ng SLIS ngayon dahil nasa LIS Wizard sila. Malas. Ayun, paglabas ko ng building, huwaw pare, ang solid ng ulan! Parang ayaw magpauwi e. Pero dahil ako si batang "gusto-ko-nang-umuwi," sinugod ko ang malakas na ulan gamit ang aking beloved pink umbrella-ella-ella-e. Pero ang yabang ko, sira naman siya. Ugh. Well, di naman masyado, nagamit ko pa naman. Hehe. Kailangan ko na talaga syang ipaayos. Ayokong bumili ng bagong payong, ang mahal kaya nung payong ko na yun! O yes, I'm so kuripot. Haha! At grabe, basang-basa ako, as in define wet look! O_o;;

Lesson Learned: Sumama na rin sa LIS Wizard. Wag masyadong excited umuwi.

Naisipang pumasok sa Ever Gotesco. Naglakad-lakad. Nagpatuyo sa aircon ng "mall". Kumain sa McDo ng Cheeseburger Deluxe Meal, Go Big Time, at isang Hot Caramel Sundae. Ewan ko ba kung ano nanaman ang pumasok sa utak ko at kumain ako kahit di naman ako nagugutom. Sayang tuloy ang pera ko. Na-realize ko na lang na nag-da-diet pala ako nung kumakain na ako. Pak! Pero syempre, bawal magsayang ng pagkain ngayon dahil mahal na ang gasolina. Inubos ko at sobrang busog ako. Pero nanghihinayang pa rin ako. Haha! :P

Lesson Learned: Iwasan ang emotional eating kahit stressed ka pa. Magdikit ng note sa wallet: "you and your wallet are on diet!".

At ngayon, nandito na ako sa bahay. Actually, kanina pa. :P At awa ng Diyos, wala pa namang kamalasan ang nangyayari sakin ngayon dito. Hehe. Sana wala nang dumating! *crossed fingers*

Saturday, November 22, 2008

sorry, i wasn't able to give you a happy birthday

Ang dami kong naging plano para sa araw na ito. Pero walang natuloy kahit isa. Oo, pwede ko naman ituloy yun sa ibang araw, pero di mo na birthday yun. Wala na ring sense. May usapan tayong breakfast ngayon pero di ako nagising ng maaga. Wala akong load kaya di makatawag o makapag-text man lang. Kapag minamalas nga naman. Alas-10 ng umaga ang alis mo kaya wala na talagang pag-asang makita ka man lang sa araw na ito.

Kagabi, nagbabalak na huwag nang matulog para tapusin ang isang bagay at para makaalis din ng maaga. Pero di ka pumayag, pinilit mo akong matulog. Kung sabagay, pagod na rin ako kagabi, bagsak na rin naman ang katawan at utak ko, sumunod ako sa utos mo. Pero nasobrahan naman sa tulog, di ako nagising ng maaga. Sana hindi na lang talaga ako natulog kagabi.

Kung pwede nga lang talaga akong umalis ngayon; kung may pera lang talaga; siguro pinuntuhan na kita sa Laguna. Pero wala talaga e. Sinira ko na ang araw mo. Napaka walang kwenta kong tao.

Pagkasing kaninang umaga, matapos kang kausapin sa cellphone, natulog na lang ulit ako. Idinaan na lang sa tulog ang pagka-frustrate na makasama ka. Pag tulog ako, di ko maaalalang dapat kasama mo ako ngayong araw na ito. Sa panaginip, kasama kita. Di na rin kumain ng agahan at tanghalian; wala rin naman akong gana. Nagugutom na pero parang bale wala ang nararamdaman; wala na ring balak kumain ng hapunan. Di lumalabas ng kwarto; isang beses lang, upang maligo. Nangangarap na kasama ka ngayon. Naghahangad na napapasaya ka ngayon. Lutang ang isip, hinahanap-hanap ka.

Gayunpaman, sana ay naging at maging masaya ka sa araw na ito kasama ang pamilya mo at ang mga batang napapasaya mo tuwing kaarawan mo. Sana sa susunod na taon tayo pa, para pwede ko pang ituloy ang mga naudlot kong plano. Happy birthday mahal ko.

Thursday, November 20, 2008

type.edit.re-type.delete.


Sometimes, it's hard to put up in words what you really feel.



For the simple fact that they will never be enough.

Friday, November 14, 2008

but still...

Normally, I don't care if someone doesn't like me. I know I can't please everybody and I just can't do anything with that. I just don't get the point why on earth do some people hate me when I'm doing nothing on them. Oh yeah, hating can be a reflex, you may not know why you hate someone, you just feel it. I hate some people too of reasons I can't figure out.

As I've said earlier, I don't care if you don't like me. But if you are hurting other people just because you don't want me, I think that's just not fair. Not that I don't want to be the reason for your disagreements; but there's no need for those stuff because in the first place, you don't have to worry on anything. I am NOT doing and/or imposing anything on anyone. You should NOT worry about me. It will get you NOWHERE.

Well, I can tolerate those things at first. Sensibly, I think I shouldn't be involved on that matter. I suppose you are mature enough to think things over and realize that there's really nothing to be troubled of. I think it just sprang up from a misunderstanding and/or miscommunication and was aggravated with ego and doubt.

I don't want to ruin a relationship that was developed long before. In all honesty, I don't want anything but the best for both of you. And if my presence would still trouble you, I'll be the one to give you a leeway. Yes, I've been hurt but I understand you more than you think I do. May you see the good part in me. Someday you will, I hope.

Sunday, November 9, 2008

the PIRATE who captured a PRINCESS


and i'm still in love!


I LOVE YOU DAN ANTHONY DORADO!
Thanks for everything!
I'll stay to spend the rest of my life with you.

Thursday, November 6, 2008

Recycle.

When you've given something wonderful, something special, something unique, something romantic; never ever think that it's the first time he did something like that. Because you're going to be disappointed that IT IS NOT. He might have done that before for quite a number of times. Maybe he's just recycling an old trick that magically worked for others in his past. And maybe you're not that very special to be put on a pedestal and to be treated in a totally different way the way he treats others.

Don't assume. NEVER. If you really want to know if that's his first time to do that, ask him. Well, only if you have some guts to ask. And be ready for what you are about to be heard. You might be disappointed. If not, then you're lucky. Once again, don't expect, don't you ever dare assume.

Yes, I know, you are different. You must not be treated just like anybody else. You must be seen in a totally different light. You must be appreciated like no other. That's just because you are unique and you are wonderful. Now, CUT THAT OFF. Stop expecting that you'll be treated and seen differently. You're just like the other flowers in the garden, different, but still a flower.

Don't expect. Never assume. In this case, you won't get hurt. It's just safest thing to do.

Wednesday, November 5, 2008

04-Nov-08

Gusto ko lang mag-kwento. :P

I woke up early, like, 4:30am, from a bad dream. *Sigh* So malamang di talaga maganda ang start ng araw ko. :( Ayun, dahil di na rin naman ako makatulog ulit, nag-OL na lang ako, tapos tumunganga hanggang 10am. :|

Pero birthday ng mommy ko ngayon kaya hindi dapat ako malungkot. At may usapan rin kami ni Dan na pupunta sya dito today. So ayun, 10am, naligo at kumain na ako ng lunch. After that nanood kami ng Wowowee. Hehe. Lola ko kasi talaga ang laging nanonood nun, pero aliw naman talaga siya minsan kaya nanood na rin ako. :D Grabe, super laugh trip. LOL. Natuwa naman ako at kahit papaano ay nawala na ang lumbay ko. :)

Dumating si Dan dito ng 2pm. Ayun, kwentuhan, parang di kami magkasama kahapon. Haha! :P Kaso naasar ako sa isang bagay. Tapos biglang di kami na nag-usap, di na nagpansinan, di nagtitinginan. Pero syempre, di naman namin kayang tiisin ang isa't isa at ayaw rin naman naming matapos ang araw na may "tampuhan" kami; ayun, nag-usap na rin kami. :) May mga bagay lang talaga na kahit naiintidihan mo, di mo pa rin maiwasan ang maasar.

At around 6pm, OL na si mommy. Ayun, nag-chat kami, tapos pinakita namin sa kanya, thru webcam, yung cake nya. :) At kami na rin ang nag-blow ng candle for her. Hehe. :P Tapos ayun, sinumbong na naman nila ako kay mommy. Haaay, that's life and I'm so used to it. Kaasar lang minsan kasi yung mga bagay na ayaw nila ibigay sakin ay yung mga bagay na nakapagpapasaya sakin. Ayun, parang "ano ba, hindi ba ako pwedeng maging masaya kahit minsan lang? Hindi ko ba pwedeng i-enjoy ang buhay ko? Minsan lang naman e. Nililimitahan ko naman lahat e." *Sigh*

At syempre umuwi si Dan, 10pm; oo, late na. Dan, sorry, ginabi ka na naman. Ang daldal ko kasi e noh? Haha! :P Salamat. Salamat sa lahat! Makita lang kita, gumagaan na ang loob ko. And I'm so happy again today because of you! :) *Mushy*

Tuesday, November 4, 2008

Pinto.

Nasaan na nga ba ako?
Nasaan na ang mga pangarap ko?
Nasaan na ang aking palasyo?
Nasaan na kayo?

Malayo.
Ang layo.
Malayo na talaga.
Hindi ko na matanaw.

Dapat na nga ba akong bumalik?
Dapat na bang hanapin ang pinagmulan?
O dapat lang na ako'y magpatuloy?
Dapat bang magpatuloy sa mahamog na landas?

Saan?
Paano?
Kailan?
Hindi ko alam.

-----

Lumulutang na naman ang aking isipan at hinahayaan ko lang ito. Hindi ko alam kung kailan siya babalik. Di ko mawari kung saan siya patutungo. Marahil mamaya lang. Siguro doon lang.

Haaay. Ano nga ba ito? Bakit ganito? Bahala na. Magpapalutang-lutang na lang pansamantala.



Pagpasensyahan na. Magulo lamang ang utak ng batang sumulat nito.