Monday, March 23, 2009

betrayed.

Ang hirap isipin na kung sino ang mga pinagkakatiwalaan mo, sila pa ang manglalaglag sayo. O kaya naman, sila pa ang magiging dahilan ng paglayo ng ibang tao sa iyo. Mas mahirap kung wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari. Masakit maging biktima ng ganitong sitwasyon pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi naman magandang magalit at magtanim ng sama ng loob sa mga taong itinuturing mong kaibigan. Hindi ko naman kasi ikayayaman iyon. Sasama lang din ang loob ko, e ang dami ko pang dapat problemahin. Finals week, hell week, kamusta kayo? Kaya walang ibang magawa kundi ilabas ang hinanakit sa ganitong paraan. Ano pa ba't balang araw ay makakalimutan ko rin iyon. Pero sana lang, sana lang naman, inisip nya kung anong magiging epekto sakin ng ginawa nya. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun, baka ganun lang talaga sya. Siguro akala nya tinutulungan nya ako sa ganoong paraan, pero sana, sana lang, makita nya na hindi, hindi maganda ang resulta ng mga ginawa nya. Hindi nakakatuwa. At sana hindi na lang nya ginawa. Pero dahil nga tapos na iyon, wala namang akong ibang magagawa kundi intindihin sya. At kahit wala akong kaalam-alam noon, at dahil ngayon ay alam ko na, marapat lamang na ayusin ang gulong idinulot nito. Hindi ako galit, asar lang siguro, hindi ko kasi maintindihan kung bakit. Ano bang ginawa ko sa kanya para gawin niya ito sakin? Sa pagkakatanda ko, wala naman, wala naman akong ipinagkakalat na sikreto nya, wala talaga. O talagang biktima lang ako ng tinatawag na "kamalasan"? Pero ewan, ano bang mali sakin, bakit nya kailangang gawin iyon? Hay.

No comments:

Post a Comment