Monday, December 1, 2008

a smiley in the sky

Kagabi, nag-eemo nanaman ako dahil mag-de-December na. Like, ang bilis lumipas ng araw, Pasko nanaman. Di ko pa nga ma-feel ang Christmas season e. Emokid talaga. Pfft. Hindi ako natulog kagabi, oh well, hindi lang talaga ako makatulog. Pagsabayin mo na ang insomnia at pag-ka-cram sa sigsheet. O diba, kinakarir ko kasi. Hehe :P

Past 4am na ako natulog at syempre tanghali na nagising. Haaaay December na nga. Tapos nagtext sakin ang friend/orgmate/classmate ko na si Karen, "Guys, share ko lang. Maganda mag-observe mamaya. Didikit ang cresent moon kina Jupiter at Venus. Tignan natin mamaya." Yan naman ang maganda pag may friend kang member ng AstroSoc! Hehe. Hi Karen! Salamat sa info! :D

Ayun, at inabangan ko talaga. Hehe. 6pm, dahil nasa kwarto ako't gumagawa nanaman ng sigsheet at nag-p-plurk, dumungaw lang ako sa bintana upang silipin ang langit, ngunit, waaah, wala, hindi ko sya makita! Ang sad. :( Tapos ka-chat ko pa si mommy at sabi nya ang ganda nga raw, kitang-kita nya sa kanila. Tama yan mommy, mang-inggit ka. Hehe. :P

At dahil naiinggit naman talaga ako at gusto ko talagang makita yun, lumabas ako ng bahay, tumingala, walang makita, umikot-ikot, wala pa rin makita, pumunta sa katapat-bahay, tumingala, ayun, nakita ko na yung dalawang planet, pero nasan ang moon? Tumingala pa lalo, wala pa rin, tumingkayad, ayun, nakita ko na! Yey! Ang cute! Ang ganda! Nakangiti! Napangiti rin ako. :) At tinitigan ko muna ng ilang saglit pa bago sya bumaba/mag-iba ng pwesto. Haaay. Ang ganda talaga, nakakatuwa. :)

It's not for the sake of seeing it. It's for the happiness it brings upon seeing it. God is so great for making these wonderful things. :)





Photo courtesy of Cate.

No comments:

Post a Comment